キタ━━━(゚∀゚)━━━!!! (sakurachirari) wrote in yaburanger,
キタ━━━(゚∀゚)━━━!!!
sakurachirari
yaburanger

  • Music:

[1] Love Will Never End

Title: Love Will Never End [1]
Pairing: Sakamoto Shougo/Kamiqueen Ryun
Summary: Pagkatapos ng sobrang tagal na panahon, naisip ni Shougo na bumalik kay Ryun.


Gaano katagal na ba ang nakalipas ng huli tayo magkita?

Kahit gaano katagal, kahit gaano kalayo kitang hanap-hanapin sa panaginip ko, ay hindi kita makita. Pag gising ko sa umaga, mag-isa ako sa kama ko, mga kamay na naghahanap ng aninong sa tabi ko, nawawala rin. Ang laman ng ulo ko'y puro ikaw. Lagi ikaw ang iniisip ko- habang nagsisipilyo sa umaga, habang nakatitig sa loob ng basong may kape, paalis ng bahay na nakatingin sa langit, naglalakad papuntang hintayan ng tricycle- ikaw ang nasa isip ko.

Limang taon na ang lumpias.. naaalala mo pa kaya ako?

--

Isang araw, binalak kong bumalik sa barangay natin, sa barangay mo.

Halos walang nagbago nang dumating ako.

Kaso nang naglalakad ako papuntang bahay mo, parang natakot ako.

Galit ka pa kaya sa akin? Mapapatawad mo pa kaya ako?

Mahal na mahal kita.


Yun ang naisip ko bago i-ring ang doorbell ng bahay mo.

--

"Sino po sila?"

"Ah, si Sakamoto lang po, hinahanap po si Ryun?"

.....

Bumukas ang pintuan.

At nakita ko ang kay tagal ko nang hinihintay, ang pinakaminamahal ko sa buong buhay ko.

Sa isang sandali- parang nakalimutan kong huminga.



"..Ryun?"

Inangat ko ang kamay ko, at lumayo ka.

Nasaktan ako.

"...Ano ginagawa mo dito?"

"Ryun.. kailangan kita makausap.."

Doon ay iniwasan mo ako ng tingin.

"It's too late for that.."

At sinaraduhan ng pinto.



...Itutuloy!
Tags: main character: alam na, multichap: love will never end, pair: shougo/ryun
  • Post a new comment

    Error

    Anonymous comments are disabled in this journal

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 1 comment