キタ━━━(゚∀゚)━━━!!! (sakurachirari) wrote in yaburanger,
キタ━━━(゚∀゚)━━━!!!
sakurachirari
yaburanger

  • Music:

CHIX

Title: CHIX
Pairing: Yamada Ryosuke/Kawashima Umika
Summary: Umika is introduced as Ryosuke's stepsister.
A/N: Based on this prompt given to me by Sachi.


"CHIX PARE" Tumayo pa talaga si Delio sa upuan niya hawak ang bagong bukas niyang Pepsi para i-announce sa buong barangay ang opinyon niya. Hindi na pinigilan ni Ryosuke ang pag-roll ng eyes niya. Lumapit si Chenen para tignan ang family picture na kakakuha lang ni Ryosuke sa Kodak.

"Kaka-fifteen lang niya. Umika pangalan niya."

"Wow, Ryo-chan. Ang ganda, pwede ko maging girlfriend?" Ngiti ni Chenen sabay lick ng lips with eye contact. Nanginig si Ryosuke hanggang paa at nandire.

"Putrages 'wag mong patulan yan magiging kapatid ko yan." Kinuha niya ang litrato sa mga kamay ni Chenen at binalik sa wallet niya. "Guys, guys- let's just celebrate, ok? Let's celebrate because Ryo-chan's mom finally found a new love! After all these years, ok? Cheers!" Tinaas ni Daiki ang Mirinda niya, kaso walang pumansin sa kanya.

"Englishero tumahimek ka wala tayo sa Taft!" Sigaw ni Ryun galing sa bahay nila. Natawa si Chenen at inubos ang Coke Zero niya. Dumating si Yooyah na may dalang plastic. "Ubos na yung Chippy kaya V-Cut na lang binili ko.", wika niya sabay upo. Umangal si Chenen at sumobra ng sandal sa monobloc na inuupuan niya, at tuluyang nahulog sa kalsada. Tinawanan siya ni Daiki at Delio.

"Uy, Ryo-chan 'di mo pa pinapakita sa 'kin itsura ng bagong chix mo." May pa-smirk pang nalaman si Yooyah. Binato na lang ni Ryosuke ang wallet niya, umilag si Yooyah at natamaan tuloy ang mata ni Delio. Habang nagmumura si Delio ay pinulot na ni Yooyah ang wallet at binuksan.

"WAW 'DRE, ANG GANDA... kaso mas bagay pa rin kayo ni Mirai, 'wag ka magalit, 'dre."

"Pwede ba, last time ko na sasabihin 'to-- MAGIGING KAPATID KO SIYA, okey. 'DI KO SIYA 'CHIX' OR ANYTHING."

Sabay-sabay na 'yiheeee' ang lahat. Nagsimulang tumili-tili si Delio na parang nakikilig na babae.

"Alam mo, 'dre-" Simula ni Yooyah, sabay akbay sa balikat ni Ryosuke. "It's OKEY. Kung magkakagusto ka sa kanya or everything, it's okey! 'Di namin sasabihin kay Mirai! Basta introduce mo kami sa other byootipul prens niya, okey?!" Diring-diring tinanggal ni Ryosuke ang arm ni Yooyah mula sa shoulders niya at pinahid ang sarili niya kay Daiki.

"Guys. 'Wag na, okey. Bukas na lang tayo ulit mag-usap lahat. Bukas na rin sila dadating ni Tito."

Sinara ni Ryosuke ang mga mata niya at tinakpan ang mga tenga niya.

Nagwala ulit ang mga kaibigan niya. Nagsimulang mag-chant si Yooyah ng "Chix, chix, chix!!" at tumayo si Delio sa mesa at sumayaw ng Dougie, sabay sa pag-chant ni Yooyah. Nakisayaw na rin si Chenen at Daiki.

--

Dumating si Tito at Umika mga bandang 9 a.m.

Nakakahiya kasi medyo naka-boxers lang si Ryosuke pagbaba niya tapos si Umika naka-Topshop na bestida't naka-makeup pa.

"Dyusko, Ryosuke! Mag-sando ka man lang! Hindi na lang ako babae sa bahay, tandaan mo, ah!" Pinakyat siya ng nanay niya sa kwarto niya. Inisip muna ni Ryosuke na maligo. Habang naghahanap siya ng isusuot pag baba niya, biglang narinig niyang tinatawag pangalan niya sa labas.

"Ryo-chan, huy! Ryo-chan alam kong nandyan ka!"

Linabas ni Ryosuke ang ulo niya para lang sumigaw ng: "DELIO PWEDE BA MATULOG KA MUNA" Binalik niya ang ulo niya sa kwarto, nang biglang na-guilty. Linabas niya ulit ang ulo niya at nakitang kasama ni Delio ang girlifriend niyang si Mirai.

"Gusto daw makita ni Mirai kapatid mo!"

Hindi mukhang natutuwa itsura ni Mirai. Ngumiti si Ryosuke at hinipan siya ng flying kiss, na agad-agad niyang iniwasan.'Hala, patay ata ako dito. "S-Sige, ligo lang ako!" Kaway niya sa labas.

Papunta na siya ng CR nang marinig niyang sigaw pabalik ni Delio:

"MAG-ISA O KASAMA SIYA?!"

Black eye talaga makikilala ni Delio mamaya.

--

"Umika, gusto ka daw makilala ng friends ko."

"Talaga, kuya?"

"Umika.. 'wag mo muna hawakan kamay ko, ah."

"Bakit...?"

Diniinan ni Ryosuke ang pagpikit niya bago buksan ulit ang mga mata niya. Nag-inhale-exhale muna siya para makalma ang sarili niya. "Basta, ok." Nag-nod along na lang si Umika.

Binuksan ni Ryosuke ang pintuan nila at halos kaagad ay dinagsa siya ni Delio.

Sinigurado ni Ryosuke na more than an arm's length away ang nasa pagitan nilang dalawa kay Delio. "Hello!" Ngiti ni Delio. Medyo normal pa naman ang sitwasyon, kaso mamaya talaga gugulo 'to. "Hi, binibini- my name's Delio Dimahabol, but especially for you- you can call me 'Big D, ayt?" Hayup sabi na, eh.

"Hi, Big D! I'm Umika!"

Lumapit si Ryosuke sa tenga ni Delio at nag-whisper ng mabangis na: "Hayupkatinuturomosakapatidkopapatayinkitamamaya"

Walang sinagot si Ryosuke nang tinanong ni Umika kung bakit agad-agad umalis si Delio pauwi sa bahay niya.

--

Habang pinapakilala si Umika kay Daiki, biglang narinig ni Ryosuke ang isang matining at matinding:

"TABS SINO YANG BABAENG KASAMA MOH?!"

....parating na ang matinding bagyo ng tsimis.

"AY! OMAYGAD! ANG GONDAH! Hello there!"

"Hi, Umika."

DALAWA PA SILA.

"Umika, ito si-"

"Anne Curtis!"

"--Ryun at si Chinen. Friends ko sila from high school."

Sabay kinuha ni Umika ang mga kamay nila at nakipagkamay sa kanila pareho.

"Ay, ang bait-bait mo naman! Di tulad ng kuya mong matakaw!"

Dapat sasapakin na ni Ryosuke si Ryun kaso napansin niya na parang kakaiba ang tingin ni Chenen sa kapatid niya---

"Umika, okay lang ba mahingi number m--"

"UMIKA ALIKA NA UWI NA TAYO NAGUGUTOM NA KO"



Di na napansin ni Ryosuke ang pag-pula ng mga pisngi ni Umika nang hinawakan niya ang kamay nito paalis sa direksyon nina Ryun at Chenen.

--

Nag-ring ang cellphone ni Ryosuke mga bandang 5 p.m. habang nasa Max's sila.

From: Babyloves Ko

Cheater.


PUTANGINA!

To: Babyloves Ko

MIRAI KAPATID KO LANG SIYA


Sinend kaagad ni Ryosuke ang text at napansin ni Umika ang kakaiba niyang kilos.

"Kuya? Are you okay?"

"No, yes, YES- I'M OKAY."

Nag-ring ulit ang phone niya: incoming call, at halos tumalon siya sa upuan niya sa gulat. Tinignan rin siya ng mga magulang niya. "Um, prof ko lang po. May problema ata sa sinend ko kanina na essay." In-excuse niya sarili niya mula sa table.

Tinawagan niya pabalik si Mirai.

"Hello?"

"Mirai, hindi ko alam kung ano sinabi sayo ni Delio, ni Chinen, ni Yooyah, NI RYUN-- KASO KAPATID KO LANG SIYA, OKAY. Ikaw lang mahal ko sa buhay ko. Ikaw prinsesa ko, remember?"

"Wrong number ka ata?"

Lintek yung nag-missed call sa kanya yung prof niya pala talaga. Di pala talaga nakuha essay niya. Lintek.

--

Pagkahiga ni Ryosuke sa kama niya ay may sumigaw na naman sa kanya galing labas ng bahay.

"RYO-CHAN"

"ANO."

"MAY BOYFRIEND BA SI UMIKA"

"OO NA LANG UMUWI KA NA"

"WALA NAMAN DIBA?! PWEDE MANLIGAW?!"

Sinara ni Ryosuke ang bintana niya.

--

Binangungot siya that night. Nag-date daw sila ni Mirai, hahalikan na dapat niya tapos biglang pagtingin niya, si Umika nasa harap niya at may hawak na kutsilyo si Mirai. "BABE NO IT'S NOT WHAT YOU THINK" ang huling nasabi niya bago tumakbo si Mirai na nakataas ang kutsilyo at--

--

Nagising si Ryosuke ng 9 a.m. ulit.

Kaso pagtingin niya, hindi siya mag-isa sa kama.

For some reason, katabi niya si Umika, na nakatingin pataas sa kanya.

"...Umika?"

"Kuya.. thank you for last night."

LAST NIGHT?! PUTANGINA--- ANO NANGYARI----

"I was scared of the thunder and you comforted me. Thank you."

AY THANK GOD.

"Ah, okey lang yun! Nandito lang ak--"

Hindi na natapos ni Ryosuke ang sasabihin niya nang biglang yakapin siya ni Umika. Tamang-tama lang at may kumatok sa pintuan. Hindi na natanong ni Ryosuke kung sino kaya nagulat na lang siya nang makita niyang si Mirai pala ang dumating.

Nagtinginan na lang sila, si Mirai na nasa doorway, at si Ryosuke na nakahiga sa kama katabi si Umika na kasalukuyang yinayakap siya.

"Mirai--- I can explain----"

Hindi na natapos ni Ryosuke ang sasabihin niya nang biglang saraduhan siya ng pintuan ni Mirai.

Isang mahabang buntong hininga.

Tags: #chix, #favorite ni sachi, #kawawa si yamada, pair: yamada/umika
  • Post a new comment

    Error

    Anonymous comments are disabled in this journal

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 16 comments