キタ━━━(゚∀゚)━━━!!! (sakurachirari) wrote in yaburanger,
キタ━━━(゚∀゚)━━━!!!
sakurachirari
yaburanger

  • Music:

[ONESHOT] SEXY SUMMER! Ipunin ang mga Tibok ng Puso!

Title: SEXY SUMMER! Ipunin ang mga Tibok ng Puso!
Pairing: Sato Shori/Julia Barretto DONT JUDGE
Summary: May bagong transfer sa department nina Julia, ineexpect nila boring na matabang, kalbong lolo, kaso biglang---??
A/N: Wala akong alam at hindi ko alam at wala akong masabi.


Hindi alam ni Julia kung paano siya napadpad sa Research Department ng lecheng opisinang 'to. Design dapat kasi, eh kaso ewan ba niya't biglang nandito siya, sa loob ng isa sa mga ilang cubicle sa fifth floor. Medyo mahirap mag-adjust nung first two weeks, kaso ngayong Tuesday ng third week, nasanay na rin siya sa kaka-photocopy at kaka-gawa ng kape para sa mga boss niya.

Mabuti rin naman at may mga officemate siya na kasing-gulang niya. Since majority ng mga tao sa fifth floor mga pushing forty na masusungit, nakuha niyang makipag-bonding sa mga kauunting ka-age niya.

Isang araw may nag-banggit na may narinig siya galing sa third floor na meron daw galing Accounting Department na itra-transfer sa kanila.

"Well, okay lang naman 'yun, kaso pano kung incompetent?"

"Lalaki ba? Babae?"

"Pano kung lalaki?"

"Hala, pano kung gwapo!"

Sabay-sabay silang nagtilian at hinayaan naman ni Julia na maki-pantasya siya kahit ngayon lang, tamang-tama kung kelan kaka-break lang nila ng boyfriend niya like two months ago.

--

"Julia! Julia!"

Napatigil si Julia sa pagt-type niya. Wednesday pa lang, ah. Ngayon na ba transfer nung bagong employee? Tumayo na siya sa upuan niya at nakisinget sa mga nakaabang sa Meeting Room A.

"GWAPO! GWAPO!"

"PWEDE SIYA PWEDE"

Buti na lang matangkad si Julia, hindi na niya kailangan mag-tiptoe para makita kung ano ang its----

Biglang bumukas ang pintuan at nagtakbuhan ang lahat pabalik ng cubicles nila. Na-drag along na lang si Julia at nagulat na lang na biglang nakaupo na siya kung nasan siya kanina.

--

Pagtapos ng lunch break na walang tigil ng chika tungkol sa transferee nilang gwapo daw, ay nag-pretend silang lahat na busy sila nang i-announce ng boss na may papakilala siya sa kanilang lahat.

Nakalimutan ata ng mama sa tabi ni Julia i-off ang radio niya, kaya tamang-tama talaga pag pasok sa opisina: Bakit kaya nangangamba? Ang ganda ng pacing ng lakad at fit ng suit. Mukha siyang kinakabahan, kaso mukhang confident din. Sa dami ng tao sa kwarto, nagkita ang mga mata nila. Sa tuwing ika'y nakikita? Imagination lang ba 'to? Biglang ngumiti sa kanya? Sana nama'y magpakilala..

"Si Shori Sato, galing siya sa Accounting Department. Linagay siya dito para--"

"Julia," bulong ng mama sa tabi niya. Nawala si Julia sa trance niya at biglang napatingin sa mama. "Nakita mo yung ngiti niya? Parang nakangiti sayo 'yun, ah?" Tumingin pabalik si Julia kay Shori, na ngayon ay nagsasalita na tungkol sa mga expectation niya ngayon sa pagtrabaho niya dito.

Nagka-feeling si Julia. Feeling lang kaso, matagal siguro nasa fifth floor 'tong Shori Sato na 'to.

--

Kinabukasan, linagay si Shori sa dating cubicle ng nag-maternity leave. Dalawa ang dala niyang box puno ng gamit niya. Di niya alam kaso parang every moment na gumagalaw 'tong nasa harap niya, anlakas ng tension. Akala niya na aabot na hanggang lunch break na wala silang exchange of words kaso biglang habang nag-aayos ng mga papel si Julia biglang may

"Hi.. Julia, right?"

Napatingala si Julia at saktong-sakto nandun nakasilip mula sa itaas ng cubicle niya. Nabitawan bigla ni Julia ang hawak niya at nag-sorry kaagad. Nagulat na lang siya na biglang tumulong sa pagpupulot si Shori galing pa sa cubicle niya. Pagtapos niyang ma-collect lahat ng papel ay nagpasalamat siya.

"Ah.. yeah, I'm Julia, hello! New ka, diba? Good luck, ha! Hahaha.." TANGA, sigaw niya sa isip niya habang nag-offer ng kamay para i-shake ni Shori. Ngumiti si Shori bago kunin ang kamay niya at tiningyan ng maigi muna bago i-shake.

"Thank you, Julia. I'm Shori. I don't know what that 'good luck' meant, but I won't let it terrify me, haha! Hopefully, I'll do well naman, hahaha!" Napatitig si Julia sa ngiti ni Shori at biglang na-mesmerize. Ang puti ng ngipin, ang ganda ng mata, ng ilong...

"So, I'll talk to you na lang when I need your help?"

"AH-AH... YEAH, OO! OO!"

"Alright, see you around. It was a pleasure meeting you." Isa pang ngiti ni Shori, sabay kuha sa wallet niya. Napatingin si Julia sa wall clock. Hala, ganung oras na pala? Kinuha niya rin ang wallet niya at tumayo. Tumingin pabalik si Shori at napatigil sa paglalakad.

"Julia.. you haven't eaten yet?"

"Um, ah? Ah, oo, oo. I was busy filing these papers kasi, eh."

"Hey, do you want to go get lunch together?"

Napanganga si Julia. Kanina lang... holding hands... ngayon date na?!

Bawat araw sinusundan... Di ka naman tumitingin..

"Oh, was I too forward? It's okay if you don't want to, though.."

"Hinde, hinde! Alika, lunch tayo!"

TANGA na naman sigaw ni Julia inside, kaso parang okay lang kay Shori. Biglang kinabahan siya. COULD THIS BE?

Tags: #favorite ni sachi, #kasalanan ni marchy lahat to, pair: crack
  • Post a new comment

    Error

    Anonymous comments are disabled in this journal

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 5 comments