キタ━━━(゚∀゚)━━━!!! (sakurachirari) wrote in yaburanger,
キタ━━━(゚∀゚)━━━!!!
sakurachirari
yaburanger

BECAUSE UMIKEN IS CANON!!!

Pairing: Nakajima Kento/Kawashima Umika YUN OH WITH SPECIAL SURPRISE PAIRING!!
Summary: Pinilit kong lumayo, ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo.
A/N: Dahil sa nagawa kong manips lol. Inspired by Hanap-Hanap by Jadine and Para sa Hopeless Romantic because super fans na fans po ako ng jadine huhuhuhuhu OMG SO MATAGAL KO NA PALANG DRAFT TO HAHAHAH continuing from where i left off bec UMIKEN IS NOW OFFICIALLY CANON!!!






3 months after makipag-break sa kanya si Kento, pinakanatamaan si Umika sa realization niya na kung gaano mo minahal ang isang tao, ganun rin katindi ang resbak ng sakit 'pag wala na kayo. Nakatambak pa rin sa likod ng cabinet niya ang mga love letter na sinulat ni Kento para sa kanya, ang stuffed toys, couple shirts at kung anu-ano pa. Nandoon din ang luma niyang sim at ang panyong naiwan ni Kento nung dumayo siya sa bahay nung September. Bakit hindi na lang niya binalik, hindi niya rin alam. Sabi ni Saaya, sabi rin ni Mirai- time to move on na raw. Palibhasa, parehong in a relationship for more than a year na. 'Di naman kasing blessed si Umika, kaya mahirap talaga intindihin at seryosohin. Kaya hanggang ngayon- six months later, hindi pa rin siya over.

Gaano ba katagal ba sila ni Kento Gago? Eight months na sana. Kaso nakipag-break ten days before their eighth monthsary. Nagkita silang dalawa sa third floor ng Science building ng university nila, at doon tinapos ni Gago. Dinahilan niya ay gusto niya raw mag-focus sa studies niya, at dahil hindi na niya mahal si Umika. Lumipas ang five seconds siguro, bago sinabi ni Gago na aalis na siya. Umalis siya at nanatili dun si Umika ng dalawang oras sa sobrang gulat. Pagkatapos ay tinawagan niya si Saaya, na nasa Batangas pala. Tinawagan niya naman si Mirai, kaso nag-aalaga ng pinsan. Ayun, mag-isa talaga. Ang pinakamahirap- magkaklase pa sila for the rest of the semester, kaya tatlong buwan pa niya makikita ang mukha ni Gago. Saklap.

--

Dumating ang Monday. Third period, magkaklase sila at magkatabi pa. May assigned seats na kaya hindi pwede umalis sa upuan. Ang hirap talaga, sobra. Mahal mo pa siya, miss na miss mo na, kaso galit na galit at litong-lito ka pa. Nakakatawa lang pansinin na sabi ni Gago gusto niya mag-focus sa pag-aaral niya, kaso ngayon si Umika naman ang hindi maka-focus sa lesson. Doon nagsimula ang pagiging bitter niya.

Pagkalipas ng buong linggo, pwinersa niya sina Saaya at Mirai na makipag-Girls' Night Out sa BGC. Nag-oblige naman ang dalawa dahil concerned at mahal nila si Umika. Nagsimula silang uminom sa condo ng stepdad ni Saaya ng 8 pm, pumunta sa club ng 11, at umuwi ng 4 a.m. Sobrang tindi ang hangover ni Umika. Natulog siya ng buong araw ng Sabado at gumising para kumain ng 4 pm. Kinausap siya ng masinsinan ng dalawang kaibigan niya, dahil concerned at mahal niya siya.

"Umika, last na 'yung kagabi, ha."

"Letting lose and forgetting about your problems is fine, but you should know your boundaries. Don't let this become a habit of yours, okay?"

Binaba ni Umika ang Yum burger niya at napatawa ng pilit. "Oo naman, guys! Ano ba kayo?! Sus, guys! Lalaki lang 'yun! Marami pa d'yan, diba? And besides.." Pinulot niya ulit ang burger niya at inangat ito para kagatin ulit. "I'm over it na! Back to school, back to studies na ulit sa Monday!"

Nagtinginan ang dalawa. "Over" na daw.

--

Pagka-uwi ni Umika sa bahay, agad niyang Ginoogle: 'How to survive a breakup'. Dapat siguro matagal na niyang ginawa 'to. Binasa niya lahat ng link sa first page, second page, third.. hanggang mamemorize na niya lahat ng kailangan malaman. Five stages of grief, playlist for empowerment, playlist for breakups, motivational quotes, biblical quotes... lahat na. Umalis pa siya ng bahay at bumili ng pirated copy ng One More Chance at That Thing Called Tadhana. Desperado na talaga.

Sinunod niya ang advice ng karamihan sa mga nabasa niya at nagkulong sa kwarto at umiyaaaak ng umiyaaaak. Pangalan ata niya 'yun, umiak. Ginawa niya 'yun hangga't sa namula ang buong mukha niya. Kumain siya ng kumain ng KFC at umungol ng umungol hanggang 6 ng umaga. Hindi na lang siya pinagalitan ng nanay niya dahil alam na ng buong pamilya pinagdadaanan niya. Pagdating ng Monday, kahit nasa bahay pa lang, nakahiga sa kama- gusto na niya kaagad umuwi. Ngunit kahit ayaw niya, nag-unimporme si Umika at pumasok. Ang sabi nga ba naman ng mga nabasa niya- huwag hayaang i-control ng isang breakup ang buong takbo ng araw-araw na pamumuhay mo. Nabuhay ka bago mo siya makilala, at mabubuhay ka ng wala siya, ika nga.

Pagpasok ni Umika sa third period class niya, nakita niyang nagtetext si Gago na nakangiti. 'Hala, pa'no kung may bago na?! Sino 'yan?! Aba, puta.. wala pang isang linggo nang makipag-break ka, ah!' Huminga ng malalim si Umika at hinigpitan ang hawak sa bag niya. Don't jump to conclusions. At kung meron man siyang bago, wala ka ng pakialam. You're out of the picture. Hindi na kayo. Hindi ka na niya girlfriend. Ang strong ng mga words na paulit-ulit sa isip niya kaso pagbaba na pagbaba ni Umika ng bag niya, tumungo siya ng CR para magkulong at mag-intense breathing para hindi maiyak.

Ganyan siya for the next two weeks. Jumping to conclusions and purposely avoiding her ex. Napakahirap nga. Akala niya O.A. lang mga portrayal sa TV at sine, kaso nung siya na mismo nakakaranas- totoo pala. Ang sakit.

--

Pauwi si Umika isang Biyernes nang makakita siya ng vacant position sa isang coffee shop malapit sa kanila. Ok 'to.. May matagal na rin naman siyang gustong bilhin pa na bag na ang hirap-hirap pag-ipunan sa araw-araw na allowance niya. Marami na rin siyang oras ngayon, bakante na kasi lahat ng pang-date sana na breaks at weekends niya. Nag-apply siya ng hindi nag-iisip, at na-notify na natanggap siya after two days. Getting busy is a good way to get over someone, sabi nga ng isang article na nabasa niya. Kapag naging busy ka kasi- hindi mo naiisip ang mga bagay na nagpapabigat ng loob mo.

Pagkatapos kaagad ng school ng Monday, dumiretso na sa trabaho si Umika.

--

Mabuti ang trabaho niya for the next few weeks. Tama ang article. Kapag busy ka, hindi mo talaga naiisip. Pinapansin na nina Mirai at Saaya na bumabalik ngiti at sigla ni Umika, at approve naman pamilya niya sa lugar at bayad din. Kahit medyo late na siya nakakauwi, nakakagaan ng feeling. 'Sana magpatuloy na lang na ganito ako.. mas mabuti na 'tong busy ako, nakakatulong, magkakapera pa kahit papano.' Binalikan ni Umika ang bag na matagal na niyang gusto.. Kate Spade 'yun. Magkasama sila ni Kento nung una niyang nakita.. Sabi niya ang ganda.. sabi ni Kento, 'Di bale, princess. Bibilhin ko 'yan kapag mayaaaman na mayaaaman na ako.' Sabay akbay, ngiti at kiss sa noo. At ang saya ni Umika noon. Ang saya-saya...

"Miss, excuse me?"

Muntikan nang mahulog ang linilinis na mug ni Umika. "Ah, sorry po." Tumalikod siya para humarap sa counter-- Isang lalaking naka-shades at leather jacket. Pinigilan ni Umika mag-react. Ang init-init na nga sa Pilipinas! "Yes, sir? May I help you?" Tinanggal ng lalaki ang shades niya at nag-clear ng throat. "Isang Americano, please. For here lang."

Pinunch in ni Umika sa cash register ang order ng customer. Nararamdaman niya ang kakaibang titig sa kanya. OMG pano kung rapist 'to?! "Miss?" Muntikan na naman mahulog ang sukling dapat ibibigay niya. "Y-Your change, sir. Hahatid ko na lang po sa inyo order niyo 'pag tapos na." Nag-nod ang customer at tutungo na sana si Umika sa prep station nang biglang tawagin siya ng pangalan niya ng customer. Weird. May nametags sila kaso ngayon lang siya tinawag ng pangalan niya, ever.

"Yes, sir?"

"Are you okay? You seem down."

Wow, concerned? Hindi pinaliwanag sa orientation at briefing kung paano magreact kung tanungin ka ng customer ng ganyan, kaya medyo napatigil ng onti si Umika. Mukha ba siyang haggard? Depressed? Halata bang heartbroken pa siya?? Pinilit na lang niya ngumiti. "Thanks, I'm okay! Don't worry about it!" Hindi ata convinced si customer. Nagtitigan sila ni Umika for an awkward five seconds bago siya nag-nod ulit. "I see. It's just that.. you had this aura kasi na parang ang lungkot mo.." Tumingin siya ulit kay Umika.

"Well, in case you need someone to talk to- I can listen. I've been through a phase kasi na no one was willing to listen when I had a problem, so I want to reach out to people who're going through the same thing. My name's Keito pala."

Linabas ni Keito ang kamay niya at kinuha ni Umika. Formal handshake. Ngumiti si Keito.

"See you around, Umika."

Weird.

--

Rebound. Iba-iba ang take ng mga nabasa ni Umika tungkol dyan.

Yung iba, sobrang against it. Meron rin naman mga sobrang for it. Ano 'ba talaga? At ano ba talaga ang formal definition niyan? Ang rebound daw pwede maging hobby, pet, family, friends- or a new special someone. Sinasabi ng karamihan, mabuting-mabuti kung i-immerse mo sarili mo sa naunang apat, kaso HUWAG NA HUWAG daw sa bagong jowa.

E, hindi naman niya jowa.. Friend siguro?

Ever since nagkakilala sila, laging dumadayo si Keito sa coffee shop kapag shift ni Umika. Hindi sila nag-uusap kapag busy, kaso kapag free naman- lalapit si Keito at magstastart ng conversation. Minsan, umaabot siya hanggang closing. At one time, hinatid pa niya si Umika hanggang bahay. This weekend nga, nagyayaya siya ng sine.

Friends lang naman... diba?

"Alam mo Umi, bobo ka talaga. Hindi ba halata?! Gusto ka 'nun!" Sigaw ni Mirai bago kumuha ng fries kay Saaya na walang permission. Sinapak ni Saaya ang kamay ni Mirai. "Ha..? Eh..?" Pinagbigyan na ni Saaya si Mirai, na agad-agad namang kumuha ng lima bago i-sawsaw kaagad sa ketchup. Mukhang inis si Saaya.

"Umi, we're just concerned. We don't want you to get hurt again."

"Eh, magkaibigan lang naman kami! Hindi naman siya nanliligaw or anything.. at wala akong gusto sa kanya!"

Humalakhak si Mirai bago uminom ng Coke. "Dyaaaan nagsisimula 'yan, I tell you! Nako, pakinggan mo sarili mo."

"He likes you, Umi. I don't think a guy you just met would go out of his way to wait until the end of your shift and send you home after just because he 'felt like' it. C'mon, he obviously likes you."

"Aminin mo na kasing gusto mo siya."

"Hindi nga!"

Halos mapahiga si Mirai sa kakatawa niya. Hindi na lang nagreact si Saaya.

"Umi, listen. It's okay if you fall for this guy. Just make sure he's not just going to be Kento's rebound. That would be unfair to him and to you."

Nasaktan si Umika nang marinig niya ang pangalan ni Kento Gago. Ang tagal na niyang hindi naririnig pangalan niya. Akala niya sa susunod na maririnig niya pangalan ni Gago, okay na siya. Yun pala- hindi. Sabi nga nila, kapag nasasaktan ka pa-- ibigsabihin, mahal mo pa. Ang hirap man aminin, ang hirap man tanggapin- kaso ang dahilan kung bakit hindi niya magustuhan si Keito, kahit ganyan siya kabait, ay dahil mahal niya pa si Kento.

--

Nakahilata sa kwarto niya, nakatingin sa cabinet. Paulit-ulit ang mga salita ni Saaya sa utak niya. Huwag mo siya gawing rebound. Unfair sa kanya at sa'yo. Paano naman naging rebound kaagad si Keito? Rebound na nga 'tong raket niya sa coffee shop, dadamayin pa nila si Keito.. Kaso, baka nga may point sila. Mali rin naman na magpaasa ng mga tao. Alam ni Umika yung feeling na sobrang tinaas ka, only to let you down in the end. Ang tindi ng heartbreak niya dun kay Chinen. First love niya kasi, kahit hindi naging sila.

Kaso, iba si Kento. Siya ang second love niya. Kapag second love, stronger, wiser and more careful na, diba? Kaya mas na-enjoy at na-involve siya. Naniwala siya, nagmahal at nangarap. Inisip na niya ang future nila, kung ano pangalan ng mga anak nila, kung gaano kalaki ang bahay, anong model ng kotse, anong design ng wedding gown niya..

"Tama na."

Pumikit si Umika at napasigaw. "Kailangan ko nang itigil 'to."

Bumangon siya at hinatak pabukas ang cabinet niya. Hinalungkat niya ang likod nito at linabas lahat. Linabas niya ang mga love letter, stuffed toys, couple shirts, lumang sim at ang panyong naiwan ni Kento. Kumuha siya ng paper bag galing sa ilalim ng kama niya at pinagtatambak sa loob ang mga ito. Nag-tsinelas siya at lumabas ng bahay. Naglakad siya hanggang kanto at tumigil sa harapan ng community dumpster nila.

Sigaw ng utak niya, 'ITAPON MO NA!' Kaso pinipigilan siya ng dibdib niya. Ang bigat-bigat ng dala niya. Hindi lang ang mga memorabilia galing sa past relationship niya, kundi ang mga damdamin na rin. Mahirap iwanan ang isang bagay na nakasanayan mo na. Mahirap, kasi safety blanket mo. Parte ng buhay mo. Hindi lang ala-ala ng relationship nila, parang tinatapon na rin ni Umika ang dating siya, ang siya na kasama si Kento sa buhay niya..

"Kaso, wala na siya. At wala na rin kami."

Nag-exhale si Umika bago ihagis ang plastic sa dumpster. Naiyak siya dahil parang bumitaw na siya sa huling kapit, kaso pagkatapos niyang tumahan ay parang gumaan ang loob niya. Sa wakas, wala na si Kento sa buhay niya, at wala na rin ang dating siya.

--

Pumayag si Umika makipag-date kay Keito sa susunod na Sabado. Binalita niya kaagad kay Saaya at Mirai. Masaya sila para sa kanya.

"Masaya ako basta masaya ka at hindi tatanga-tanga."

"I trust that you know better now. I'm happy you're moving on."

Moving on.. ang ganda ng tunog!

--

Katext pauwi ni Umika si Keito.

Hindi kasi siya makakapasok sa coffee shop today dahil midterms na bukas. Naka-limang Goodnight, study well :) na si Keito kaso pinapatuloy pa rin niya ang conversation. Nakangiti si Umika, nagpipigil ng kilig habang pababa na ng tricycle. Parang hindi na kasi sila naghiwalay sa lagay na 'to. Parang nandyan pa rin siya.. sa cellphone nga lang.

O sige, nandito na ako sa bahay. I'll talk to you tomorrow. Goodnight :D

Pagkatapos niya i-send ay nagbayad siya ng tricycle. Hinanap niya ang susi sa bag niya. Paakyat na siya ng hagdan paakyat ng bahay nila nang makita niyang nakaupo sa harap ng pintuan nila, na may dala-dalang bouquet.. si Kento.

Hindi siya makakibo. Hindi siya makasalita. Ang daming emosyon bigla-bigla.

Lord, ilang beses na niyang inimagine 'to. Ilang gabi siyang nakatulog nang umiiyak, gumigising na basa pa rin ang mga mata. Ilang beses, kahit saan-saan na nasa ibang mundo ang isip niya. At ito na, ngayon. Kung kailan dapat ok na ang lahat. Biglang, ayan. Pagkatapos niyang bitawan, ihagis sa basurahan ang lahat ng pinagdaanan, lahat ng natitirang alaala.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Umika.. I'm.. I'm sorry."

Parang may nag-activate ang safety mechanism sa loob ni Umika. Nagmadali siyang umakyat at umilag mula kay Kento. "Umika, wait-" Nahulog ang bouquet ni Kento sabay sa hulog ng pintuan sa mukha niya. Tumakbo papuntang kwarto si Umika at ni-lock kaagad ang pinto. Dumiretso siya sa kama niya at umiyak.

Ano 'to?!

--

Kinabukasan ay nakaabang sa ilalim ng hagdan ng bahay si Kento. Hindi siya umuwi dahil pareho pa rin ang damit niya mula kagabi. Dala-dala pa rin niya ang bouquet. Ngayon lang napansin ni Umika, paboritong bulaklak niya ang nasa bouquet. Ganun pa rin ang itsura niya. Napansin din ni Umika na suot-suot niya ang polo na regalo niya nung birthday niya.
Mukhang pagod na pagod si Kento, kaso hopeful pa rin.

"Umika, please.."

Agad-agad bumaba ng hagdan si Umika. Tumakbo siya paalis. Hinabol siya ni Kento.

"Umika--"

"Kento, please. Tantanan mo na 'ko."

Napatahimik si Kento. Pagkatapos ni Umika sabihin 'yun ay naglakad siyang paalis. Hindi na siya lumingon pabalik.

--

"Grabe, girl. Ang tindi niya."

Walang nagsasalita sa kanilang tatlo. Nakatunganga sa mesa si Mirai habang nakatingin with concern si Saaya kay Umika, na nakatingin na lang sa labas ng bintana ng library.

"Bakit siya ganun.."

Walang sumagot sa tanong ni Umika. Na-sense ni Saaya ang distress niya at hinawakan ang kamay niya. "Maybe.. he's guilty. Maybe, he wants to explain himself."

"Maybe he wants to get back with you?"

Napa-groan ng malakas si Umika. Lumapit ang librarian para patahimikin sila. Pagkatapos niyang umalis ay nagsalita si Saaya.

"I think you should talk to him. Give him a chance. He knows he did wrong, and I'm sure this is for the best."

"Oo nga, girl. Closure mo na 'to. Pakinggan mo siya."

Closure daw. Bumalik sa isip ni Umika ang pinagdaanan nilang dalawa, nung masaya pa sila, moments na hindi pa rin niyang matanggap na wala na, na masakit pa rin. Kaso, of course things are easier said than done. Paano mo mahaharap ang taong sobrang pinaghirapan mong iwasan? Biglang ngayon siya naman ang pilit na nagpapakita. At unfair rin 'to kay Keito. Kawawa naman siya.

--

Sinagot kaagad ni Kento ang telepono niya at nandun na siya kaagad sa meeting place nila. This time, wala ng bouquet.

Pagkaupo ni Umika, napansin niyang gamit ni Kento ang pabango na exchange gift niya nung 6th monthsary nila. Teddy bear ang bigay sa kanya ni Kento, kaso matagal na niyang sinunog 'yun. Mapungay pa rin ang tingin ni Kento, 'yan ang tingin niyang na-love at first sight si Umika. At hanggang ngayon ba..

"Sorry na tinakbuhan kita. Hindi ko kasi alam gagawin ko.."


"A-Alam kong gago ako."

Nagsimulang magsalita si Kento. Tumingin si Umika sa kanya at nahalatang nanginginig ang kamay niya.

"Alam kong sinaktan kita. Hindi ako nag-iisip nun. Hindi ko alam gusto ko sa buhay ko, hindi ko alam kung saan na patungo pag-aaral ko.. Pinagalitan ako ni daddy. Sabi niya, walang kwenta daw grades ko dahil lahat ng energy ko napupunta sayo... Kaso, choice ko naman 'yun. Choice kong piliin ka.. kasi mahal kita."

Tumingin pababa si Umika. Parang may kumalmot sa puso niya.

"Mahal kita, kaso.. tama si daddy noon. Alam mo naman 'yun, diba? Halos ma-kick out na ako dahil sa grades ko. Hindi kasi ako magaling sa math kaso gusto ni daddy maging accountant ako tulad niya. Hindi ko kinaya, Princess.."

Unconciously lumabas ang pet name niya kay Umika. Napatigil siya at nagtinginan sila ni Umika. Hindi na lang siya kumibo at hinintay na magsalita ulit si Kento.

"Kasi.. diba? Pangarap ko maging newswriter. Passion ko 'yun, mula bata pa. Inisip ko.. at that time.. na ayoko nang ma-disappoint ang tatay ko sa 'kin. Kaya, pinili kong makipagbreak sa'yo."

Sumasakit na rin ang dibdib ni Umika. Gusto niyang hawakan ang kamay ni Kento. 'Yun kasi ang ginagawa niya kapag kinakabahan siya. Kaso hindi na. Hindi na ngayon.

"Nagsinungaling ako sa'yo. Kaso totoo yung sinabi kong gusto ko mag-focus sa pag-aaral ko. Ang hindi lang totoo dun.."

Inangat ni Kento ang mukha niya at nagtagpo ang mata nila ni Umika. Kita ni Umika na seryoso siya. Mapungay pa rin ang mga mata niya- walang pinagkaiba. Hinintay ni Umika magsalita siya muli.

"Hindi totoo 'yung 'di na kita mahal."

Napapikit si Umika. Ano na ngayon?



TO BE CONTINUED
Tags: pair: nakaken/umika
  • Post a new comment

    Error

    Anonymous comments are disabled in this journal

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 2 comments